Tuesday, April 12, 2011

Dear Pnoy: San ba patutungo ang tuwid na daan?

Nagulat raw ang pangulo nang mabalitaan ang survey na ginawa ng SWS? Ayon sa mga nakabasa sa iyong pagkagulat, sila din ay nagulat dahil hindi makapaniwala ang Pangulo na lumalawak ang kahirapan.

Mahirap ang buhay bago ka umupo Pangulong Noy at sa katunayan ikaw ang pinili ng mga bumoto sa iyo sa pagtinging hindi ka magnanakaw. Iyon ang sabi mo sa bayan. Hanggang ngayon madami kaming naniniwala sa iyo.

Ngunit hindi ka dapat magtaka sa survey ng paglawak ng kahirapan. Hindi mo kailangang dumepende sa mga tagapayo mo na kadalasan ay hindi naman naghihirap. Hindi talaga batid ang mga kaganapan sa labas ng Palasyo.

Hindi mo rin kailangang ikatuwa ang may kung ilang libong contractual na trabaho sa ilang opisina at labas ng bansa dahil hindi naman ito pangmatagalan. Hindi rin sasapat ang suweldo ng mga trabahong ito sa walang habas na pagtaas ng lahat ng presyo ng bilihin at pangangailangan ng publiko.

Ilang Pangulo na nga ba ang dumaan at laging hindi makapaniwala na habang nagtatagal sila sa puwesto ay wala naman silang nagagawa kundi ibayong sakripisyo sa panig ng taong bayan.

Kumilos ka. Ipakita mong ikaw ay angulo. Huwag kang magtago kapag may binibitay na OFW. Huwag kang manahimik kapag hindi pabor sa iyo ang sumasabog na balita.

Ikaw ay may dugong bayani. May tradisyong lider ng bayan sa luob ng halos may isang 100 taon ng ating kasaysayan. Sayang ang pribelehiyong ito sa iyong balikat.

Ikaw din ay buhay na bayani bilang Pangulo. Nais ng bayan ng pinuno, na hindi nagtatago sa likod ng kanyang mga tagapayo at tagapagsalita.

Tandaan mo ding madami tayong pinuno sa kasaysayan ang nabigo at nagupo dahil sa kanilang mga tagapayo.

Lumalawak ang kahirapan...ang mga empleyadoy kulang ang suweldo, habang panay tubo sa negosyo? At ang mga bagong graduate ilang buwan kapag suwerte bago magkatrabaho.

San ba patutungo ang tuwid na daan? Hindi bat sa bawat paglalakbay ay may dapat patunguhan?

Thursday, May 20, 2010

Kung Magtagumpay si Noynoy?

Sa unang isang buwan bago ang panunumpa ng bagong Pangulong Benigno Aquino III, ang bumoto at hindi bumoto kay Noynoy aasa na ang daan matuwid ang tatanganan ng bagong Presidente.

Sa luob ng sandaang araw, manunuood ang taong bayan. Makikinig sa mga pananalita at pangako. Habang nabubuhay sa pagsusumikap at pangingibang bayan ang marami, manunuood ang marami.

Tangan ni Noynoy ang kulay dilaw na himagsikang mapayapa at demokratikong pagbabago na nasimulan sa boykot sa halalan ng interim batasang pambansa noong 1978, sa mga dugong pumatak mula sa kanyang amang si Ninoy noong 1983 sa Manila International Airport at sa EDSA noong 1986.

Sa kanyang ama, malinaw na ang pakikihamok sa diktadura ay dikta ng malungkot na kasaysayan ng kanyang ama na si Benigno Aquino, dating speaker ng Pambansang Asembliya sa panahon ng mga Hapon at sinasabing bise presidente noon ni jose P. Laurel. Yumao ang naunang Benigno na hindi naunawaan ng publikong winaksi ang mga pangalang nagkaroon ng relasyon sa militarismong pananakop ng mga Hapon. Dalawang Ninoy ang nakita ko sa ating kasaysayan, ang una ay isang batang politikong trapo at ang ikalawa ay ang martir sa tarmac na minahal ng bayan. Sa pagkamatay Ninoy naging matagumpay ang pagbagsak ng Diktadurang Marcos at lubos na paghango ng pangalang Aquino sa kasaysayan.

Ang pagkamatay ni Cory at pagwawagi ng Noynoy sa halalang 2010 ay tagumpay ni Ninoy sa pagtupad sa pangarap na nausyami dahil naideklara ang batas militar noong 1972. Nais ni Ninoy na makatakbo sa pagkapangulo noong 1973, ngunit nakulong ito ng pitong taon. Ang unang Aquino na naitala sa himagsikan laban sa kolonyalismo sa naging bahagi ng Republikang Malolos. Si Noynoy ngayon higit na nagtatangan hindi lamang ng laban na nasimulan noong panahon ng diktadura kundi ng aspirasyon ng mga ilustrado at indio na hanguin ang bayan sa isang maunlad at malayang lipunan.

Ang kampanya ni Noynoy ay umikot sa paglaban sa katiwalian bilang sentrong suliranin ng bayan. Nakasulat sa ating kasaysayan kung paanong ang mga mayayamang angkan sa Pilipinas naging tiwali at humango ng tiwaling kalakaran sa mga mananakop na dayuhan. Ito mismo ay isinulat ng pambansang nobelistang si F. Sionil Jose.

Hindi madali ang daang matuwid na patutunguhan ng mga Pilipino. Ang daan ng kabutihan at kaunlaran ay daraan sa makitid at matinik na daan. Kung magtatagumpay si Noynoy na pagbutihin at mas matinung pamumuno at magdulot ng mabuting pamumuhay sa mga naghihirap na Pilipino, ang mga Aquino ay nakatitiyak ng lugar at pagkilala sa kasaysayan pangalawa sa angkan ng mga Rizal.

Ngunit kung si Noynoy ay lamunin ng mga tiwaling papaligid sa kanya, hindi ko batid anung kahihinatnan ng mapayapang himagsikan. Huwag ka sanang mabigo Noy.

Tuesday, May 11, 2010

Bente para sa Boto: Vote for Sale?

Umulan ng Bente Pesos(P20) sa mga kabayanan ngayong May 2010 election.

Bukod sa Bente Pesos, may ilan ding nag-ipit ng sinkwenta pesos sa mga balota. Nag abot ng tig-iisang daang piso at hanggang tatlong libong piso. Sa ibang lugar, minimum daw ang P500.

May mga kumakatok pa sa mga pintuan lalo na sa mga barrio para magabot ng bente pesos at naalala ko tuloy ang isang tumatakbong politiko na naghanda ng tigbebente sa kanyang pagikot sa mga barrio na akala ko ay konting pampasaya sa mga kabarrio. Naisip ko tuloy na standard ang bente pesos sa kanayunan.

Naisip ko din na ang baba at ang babaw ng tingen ng mga ganitong kandidato at politiko sa mga botante at gayundin sa mga botante sa kanilang sarili kung pumapayag silang ipagpalit ang boto at anim na taon sa ganitong presyo lamang. Hindi bat hindi dapat ibenebenta ang boto?

Nitong nakaraang automated election, lalong naging lantaran ang vote buying. Gayundin, senyales ito na malayo pa ang bansa sa isang mas mulat at may konsensiyang politiko dahil para bang kay daaling bilhin ng puwesto sa gobyerno gayundin ang tingin ng mga taong ito sa mga poder o posisyon sa gobyerno.

Gayunpaman, sa pagiging masigasig ng media at ilang kababayan, lalong tuminkad ang pangangailangang itaas ang malay ng mga botante at wakasan ang ibayong kahirapan sa bansa ito man ay sa lunsod at kanayunan.

Sa ganitong paraan ay isang hakbang upang matupad ang tunay na pag ganda ng buhay ng mga Pilipino na hindi nakasandig sa mga politiko.

Thursday, November 26, 2009

Mahalin ang kapwa Pilipino!!!

kabayanihan bang wag pakinggan ang mga magsasaka?


Mendiola, 1987

Kabayanihan ba ang pagtaksilan ang bayan?


Malolos soldiers died after defending their Republic and betrayed by officials , 1899

Kabayanihan ba ang pumatay ng kababayan?

Maguindanao, November 2009

Hindi marangal ang magpakabusog habang nagugutom ang madaming Pilipino...

Tuesday, November 24, 2009

My Belief on Democracy and Our Sense of Being a Filipino


I believe in the institution of Philippine Democracy!

I strongly believe that its sacred pillars must be enhance and strengthen:

I believe that there should be an equal observance of socio-cultural and economic rights as well as civil and political rights of every citizen across generation...

I believe in the freedom of speech - regardless of ideology and beliefs. I believe that public forum and consultation must arrive in a sound and efficient but sensitive policy for all. That conflict must be resolved through confrontations of best platform in the parliamentary forum.

I believe in Freedom of Assembly and right of all to organize - regardless of ideology as long as it does not advocate terrorism and chaos, this inherent right must be respected.

I believe in freedom of religion - each individual must not sanction based on his religious choice.

I believe that the right to life must be respected - the culture of death should not be tolerated and killings of innocent and non-combatants should not be encouraged regardless of their ideology.

I believe in Academic Freedom – where democracy and freedom must encourage in the halls of classrooms and academic exercises for the pursuit of liberating knowledge from ignorance and prejudice.

People's empowerment must encourage - that political dynasty although not sanctioned yet formally should not be encouraged in the name of politics of addition, transaction and connection.

I believe in Economic freedom and mobility - that every individuals should be given fair opportunity to grow as an individual, be productive, creative and contributory in the life of society.

Safety, health and security - that individuals should be free from fear against their will, dignity, life and property. That their drinking water are accessible and safe, hospitalization are more open to public and the right to a safe and healthy workplace and settlement are observe by our democratic society.

Sustainable environment - that the natural and human ecosystem are not exploited to the point that the future children will not be able to feel the mentioned freedom above so that their children and their children inherent a proud heritage of decency, safety and tolerance.

A government of the people, by the people and of the people where the sovereign will is people power and not the power from a few families. A patriotic foreign policy where policy makers respect themselves and love their people so that foreign countries will also respect us.

Looking from this personal belief, our own democracy that is supposed to be becoming stronger seems to be under attack by various forces who narrowly understand their sense of being a Filipino that is why they betray their countrymen in fact kill them just because they don't understand what power sharing and distribution is all about.

Monday, October 19, 2009

Sa mga anak ng Dagat– albert banico

May kung ilang oras ang paglalakbay namin ng aking mga kasama sa baybayin ng San Miguel upang marating ang mga komunidad ng iba’t ibang barangay na nakabase sa pulo.

Ang alon ay tila nagsasalpukan kasama ng hanging habang niyayanig nito ang aming speedboat. Sa banggit ng ilang mga kasama, ang malakas na hampas ng alon ay banayad pa kumpara sa ibang panahon nng taon.

Habang papalayo kami sa pantalan ay tila sumusuko dahil sa kalumaan at panganib para sa mga naglalayag na mga paslit at matatandang may kahinaan na ang katawan, tanaw namin ang mga mangingisdang abala sa pag-ahon ng kanilang mga huling isda.

May ilang minuto bago marating ang bawat pulo at mula sa malayo ay matatanaw ang mga malalaki at mapanganib na daanan ng alon na tila ba lalamunin ang mga pampang ng bayan.

Lalo kung naintindihan ang nakaraan ng aming bayan, kung saan ang mga pamayanan ay payak at sapat na nanahan sa mga pampang ng dagat, ilog o lawa ng bawat pulo ng kapuluan. Ang kapuluan ayon sa pumanaw na pambansang artista ng bayan na si Nick Joaquin at Benito Legarda Jr., bilang mga pook na puno ng tubigan kung kaya’t ang mga balangay na palutang-lutang sa mga pampang na bumubuo sa may 30 hanggang 100 pamilya ay naroroon na namumuhay bago pa dumating ang mga sinasambang relihiyon ng Islam at Katolisismo.

Marahil ito ang binabanggit ng dating Senador Heherson Alvarez at manunulat na si Dr. Domingo Landicho na mga anak ng dagat ang mga katutubo sa kalaunan ay Filipino pagdating ng madugong pananakop ng mga dayuhan at mga himagsikang nangabigo. Ang nakalimutang ugat ng ga pangalan ng bayan, pampang sa Pampanga, asinan sa Pangasinan, agos sa Agusan, ilog ng Taga-ilog at marahil sa lunsod ay Libis sa lunsod Quezon at Parang sa lunsod ng Marikina.

Pawang mga bansag na nagpapahiwatig kung paanong ang dating kinamulatan at kamalayan ng bayan ay unti-unting nakalimutan at dahil sa malawakang sakuna at trahedya ng kawalang pamahalaan sa panahon ng sakuna ay unti unting nagbabalik sa ating malay. Sa nakaambang pagbawi ng dagat kung anu man ang talagang kanya ay tila hindi handa kaming inapo na sa libag ng mga kuko ng aming mga ninuno.

Samantala, ang sentro ng bayan na aming pinuntahan ay parang parang dila sa gitna ng bahaging tubig na sa nakaraang sampung taon ay nakaranas ng pagbaha at nanganganib gaya ng mga pulong aming binisita ay lamunin ng karagatan habang ito ay unti-unting tumataas sa pagbabago ng klima.

Sa isang pulo, sa luob ng sampung taon, sinasabing tatlong ektarya ng lupa ang kinain na ng dagat. Naisip ko habang nakikita ang mga bata sa bawat pulo na naglalaro at nagtatakbuhan paikot sa gitna ng puno ay ang kanilang kinabukasan.

Kung kayat sa aking pagbabalik sa Maynila ay binanggit ko sa mga kawani ng Departamento ng Transportasyon ang halaga at plano para sa paglalakbay sa bahaging tubig o dagat.

Naisip ko ang maraming mga kababayan ko na nananahan sa mga pulo. Ang mangingisdang sinusuong ang dagat at naiipit sa panahong may bagyo sapagkat walang nakapagsasabi sa kanila kung may panganib na parating.

Ang ibang pulo ay tanging paaralan ang naroroon at kung meron man ay walang sapat na gamit. Walang hospital na malapit. Walang gamut o kaukulang pangangailangan upang mabuhay ng sapat. Walang tulong mula sa sentro o kung meron man ay bilang sa daliri ng bawat taon. Walang kuryente o balita at ang natitirang mga lupa na maaring takbuhan nila ay naibenta na sa pribadong pag-aari.

Dito ko rin naunawaan higit ang malawak na kahirapan ng bayan kahit may ika-50 taon nang nakalilipas matapos ang huling malaking pandaigdigang digmaan. Sa masaklap, hanggang kamatayan ang labi ng mahal sa buhay ay kailangang ilibing sa kabilang pampang, at hanggang sa huling sandali ay tatawid ng dagat ang mga mahal sa buhay. Upang matapos ihatid sa huling sandali ay babalik sa mga pulo ng walang katiyakan. At dito, hindi ko batid panu natatangap o nakakatulog ng mahimbing ang mga Obispo ng simbahan o mga tao sa mga institusyon na may maaring gawin upang mapaunlad ang buhay ng aming mga kababayan.

Mula Marikina River hanggang Pasig River - albert banico



Tumatawid ang katubigan mula Lawa ng Laguna tungo sa mga bahagingg tubig ng mga kalapit na bayan gaya ng mga ilog ng Marikina hanggang ilog Pasig upang iluwa sa baybayin ng Maynila at lamunin ng mas malawak na dagat.

Sa mga nagdaang mga delubyo ng bagyong Ondoy at Pepeng, ilang linggong hindi na halos bumababa ang tubig sa kailogan.

Ang dating matulaing ilog ay mistulang nagaalimpuyong agos ng tubig, nangangalit at rumaragasa sa mga walang malay na kabahayan. Kabahayang itinayo sa dugo at pawis ng pagsisikap sa mga mamamayan mula sa iba’t ibang sector at sa isang iglap ay muling binabawi ng kalikasan.

Para bang sinasabing walang mahalaga sa buhay kundi buhay mismo ng mga tao at ang mga gamit sa bahay at iba pang pinundar na material ay walang saysay. Sa nagdaang mga araw, ilang araw din kami ng pamilya ang hindi nakababa ng bahay dahil sa pagbubukas ng dam sa mga karatig pook na nagdulot ng pagbaha sa buong kamaynilaan at sinundan ng katulad na kalagayan sa pagdating ng bagyong Pepeng.

Hindi biro ang mga nasirang imprastraktura gaya ng mga tulay, daan, paaralan, ospital, sasakyan at iba pa gaya ng buhay na mga nangasawi na hindi inaasahan.

Bumaba na nga ang tubig at dahan dahan ay bumabangon ang mga gaya naming naging saksi sa kawalang pamahalaan ng mga oras na iyon. Ngunit ngayon ay parating na naman ang isang bagyo sa ngalang Ramil at habang tinatanaw ko ang ilog Pasig, ang kawalang katiyakan ay patuloy na nagbabadya higit sa mga mamamayang nakatira sa mga pook na malapit sa sakuna.


Pasig River Bank, Manila, Oct. 19, 2009, 5pm

Friday, August 21, 2009

Pagmamahal sa bayan? – albert banico


Agosto 21, 2009 at ilang taon na nga pala ang nakakalipas simula nang maganap ang trahedya at pagpapakabayani ni Ninoy Aquino.

Sa telebisyon, isang Pilipina ang umiiyak sa airport dahil niloko daw siya ng isang ahensiya sa Pilipinas at mabuti na lamang at nakauwi siya ng buhay.

Sanlibot isang kuwento na din ang nabasa ko kung paano kaberdugo ang maraming lider sa pangungulimbat ng kaban ng bayan o kaya naman ay tumalikod sa mga ipinangako nito sa bansa.

Sa kabilang banda, hindi matatawaran ang mga imahe na naglalarawan sa mga Filipinong nilalamangan ang kanilang kapwa. Mga taxi driver na iniikot ang kanilang pasahero. Mga Bus driver na nanagasa ng mga pasahero o by stander. Mga karterong ninanakawan ang mga sobre. Mga traffic enforcer na nagtatago sa likod ng poste o sulok habang madaming driver ang hindi sumusunod sa batas trapiko.

Mga doctor na ooperhann ang pasyente kahit hindi kailangang operahan.Mga abogadong pahahabain ang kaso o palalakihin ang problema para kumita. Pandaraya sa timbang sa palengke, pagbebenta ng pekeng gamut at gamit. Pagtutulak ng droga at iba pang panloloko sa kapwa.

Lahat marahil tayo ay nagkasala na sa mundong ito. Ngunit sa malawak na pagtingin ang mga kababayan natin ay kababayan natin. Kapwa tayo mga Filipino. Lugmok ang bansa dahil mahina ang pagmamahal natin sa ating bayan. Ang sukatan natin ng pagmamahal na ito ay pagbubuwis ng buhay o kaya naman ay paglaban sa mga nasa kapangyarihan.

Pangalawa sa pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa Bayan. Isang pag-ibig na dalisay ika nga ni Gat Andres Bonifacio. Ngunit hindi malalim ang pagkakaunawa natin sa ating bayan. O marahil sa ating pagkaFilipino. Marahil Pilit ito at nagiging Filipino lamang tayo dahil naipanganak tayo sa Pilipinas at ang mga magulang natin ay mga Filipinong napilitan ding ipanganak bilang Filipino.

Ngunit hindi aksidente na lahat tayo sa bayan na ito ay ipanganak sa lupaing hinati ng mga pulo, kabundukan at mga Yamang dagat. Ang mga sinasabing abusadong lider sa ating kasaysayan ay mga sintomas marahil ng kawalang pagmamahal sa bayan.

Paglimot na ang mga kalahi natin ay mga kababayan nating dapat pagmalasakitan at igalang sa kanilang pananaw habang iniisip din nila ang parehong kamalayan. Sabi Ninoy, the Filipino is worth dying for? Sinagot ito ng isang estudyante sa tanong na paano mamahalin ang isang bagay na hindi mo alam kung ikaw ay mahal din?

Marahil ang pagmamahal na ito ay walang konsepto ng sarili kundi ng mas malawak na kapwa. At ang konsepto ng kapwang ito ay katutubong Filipino sa kaisipang kapwa tao, kristiyano, relihiyoso o katoliko.

Ang kailangan lamang ay tiwala sa mga Filipino at pamunuan ang mga Filipino ng mga pinunong may tiwala sa kanilang mga kababayan. Ngunit bago ang lahat kailangan makilala ng bawat isa ang kanilang sarili bilang Filipino.

Marahil nalimutan natin kung paano ang isang Saro Banares ay mapatay habang marami ang puwedeng umawat o saksakin ang isang estudyante sa UP Diliman sa tabi ng isang pila ng jeep. Marahil karuwagan ngang matatawag ito. Kaduwagan na mahalin an gating kapwa.