
Ninakawan ka na ba? O kaya ay inagawan ng alaala? Ano kaya ang pakiramdam? Dumaan ako sa Binondo sa Maynila nitong nagdaang Linggo at laking gulat nang makita ko na ang aming paaralan ay naglaho na. Aktibong ginigiba ng mga buldozer ang mga puno at hinuhukay ang lupa na dating kinatatayuan ng mga gusali ng Mataas na Paaralan ng Jose Abad Santos.
Ito ay itinayo noong 1947, matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig para sa mga mahihirap na mag-aaral ng Binondo, Tondo at karatig na pook sa Maynila. Nag-umpisa bilang satellite ng Arellano High School at noong 1947, mula sa Cuartel Meisic ay binuo kasama ng mga kubong itinayo ng US liberation army. Ang Cuartel Meisic ay dating kuwartel ng mga Kastila, ginamit na bilangguan ng mga Hapon, at naging Manila Police Department Prison Cell o MPD. Tinatawag namin itong MPD JASHS annex noong 1987 at naging compound naming mga mag-aaral sa unang baitang ng Abad Santos.
Ayon kay Neil Cruz ng Philippine Daily Inquirer, noong 1954, si Pangulong Ramon Magsaysay ay naghain ng Presidential Proclamation 46, kung saan ipinagbabawal ang pagbili o pagbenta at ginamit ang katagang “reserving (it) for use of the City of Manila as sites for the Meisic Police Station, Jose Abad Santos High School, Basic Health Center, and the Office of the City Engineer."
Noong Oct. 4, 2005, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naglabas ng Proclamation No. 925, na naglilipat sa kapangyarihan at pamamahala ng lunsod ng Maynila sa pakikipag unganayan sa Department of Education ang nasabing lugar. Kaugnay dito ang pagbu ng inter-agency committee
kasama ng lunsod ng Maynila bilang chair at representatives mula sa Department of Education at Department of Environment and Natural Resources kasapi sa pagbuo ng implementing rules.Ayon kay Neil Cruz, binanggit nila Mayor Alredo Lim at Senador Jamby Madrigal na, "The scheme of the respondents -- to remove JASHS and RSHS reserved by Proclamation 46 to give way to condominiums and a shopping mall -- could not have been envisioned by Proclamation 925 as otherwise it could have been so stated in simple terms and there would be no need to formulate implementing rules and regulations," Ang Cuartel Meisic ay naunang giniba at ginawang Meisic Mall na ayon sa mga kritiko ay isang historical site at sa 1987 Constitution ay hindi puwedeng gibain na hindi lumalabag sa Republic Act 7356.
Nauna na ring nagiba ang Raja Sulayman High School sa katwiran na komersiyal daw ang lugar at business area kahit tinutulan ito ng mga estudyante at mga guro.. Bigla napasok sa isip ko na ang Assumption ay nasa Makati at ang University of Asia and the Pacific ay nasa Ortigas, Pasig, ngunit dahil may kaya ang mga nag-aaral dito kahit komersiyal din ang lugar hindi pagtatankaan na gibain bukod sa mga pribadong pag-aari ito. Hindi ito ang patakaran sa mga pampublikong paaralan. Inilipat ang dalawang paaralan, ang JASHS at RSHS sa mas maliit na lugar.
Sa unang tingin, maganda ang pinaglipatan malapit sa ilog Pasig ngunit sinasabi na ang lugar ay napakainit sapagkat napapaligiran ito ng mga Condo unit na pag-aari ng Chinoy sa Binondo. Ibinasura ang TRO na siya sanang pipigil sa pag-giba sa paaralan dahil nakatayo na ang paglilipatan. Habang tumatakbo si Mayor Lim noong 2007 sinabi niyang pipigilan niya ang pag-giba sa JASHS at ang itinayong paglilipatan ay maaring gawing ospital sapagkat kulang ng pampublikong ospital sa Maynila.
Giba na ang maraming monumento ng alaala sa Jose Abad Santos High School. Maari kang manakawan ng salapi at kagamitan ngunit huwag naman isama pati ang pag-aagaw sa mabubuting alaala. Isinulat ko na ito sa mga kinauukulan, tanging ang opisina ni Pia Cayetano at akbayan pa lamang ang sumasagot. Si Pangulong Dadong Macapagal mismo ay nagsabing makasaysayan ang pook ayon kay Bampi Harper. Sinasabi ng mga estudyante, guro at mga empleyado na malakas ang kapit ng dating alkalde ng Maynila at ngayon ay puno ng DENR na si Lito Atienza.
Giba na ang maraming monumento ng alaala sa Jose Abad Santos High School. Maari kang manakawan ng salapi at kagamitan ngunit huwag naman isama pati ang pag-aagaw sa mabubuting alaala. Isinulat ko na ito sa mga kinauukulan, tanging ang opisina ni Pia Cayetano at akbayan pa lamang ang sumasagot. Si Pangulong Dadong Macapagal mismo ay nagsabing makasaysayan ang pook ayon kay Bampi Harper. Sinasabi ng mga estudyante, guro at mga empleyado na malakas ang kapit ng dating alkalde ng Maynila at ngayon ay puno ng DENR na si Lito Atienza.
Wala raw magagawa ang mahihirap na tao. Tinanong ko ulit ang aking sarili noong sabado matapos kong makita ang lugar, nawasak na paaralan, alaala, kasaysayan at mga pangako… pati ba mga puno?