Tuesday, April 1, 2008

Kumusta ang Kilusan ng Mag-aaral - TANOD SERIES No. 11

(mga artikulong lumabas sa Tanod Dyrayo ng Bayan nitong Marso 2008)

Ang Kalabaw at ang granada – albert banico

Hindi na bago ang pakikisangkot ng mga estudyante sa mga malalaking demonstrasyon.

Sa katunayan, sa mahabang kasaysayan ng maraming bayan, ang mga estudyante at kabataan ang inaasahan ng mga organisadong puwersa upang pangunahan ang mga protesta laban sa pamahalaan. Sa maraming yugto ng kasaysayan, ang kanilang kabataan ay sankalan ng enerhiya at lakas upang pabilisin ang pagkilos ng mga protesta.

Kung matatanda kasi ang uutusan na pamunuan ang mga demonstrasyon, sila ay mga mistulang kalabaw sa bagal ng pagkilos, kaya kailangan ang mga kabataan upang sa kanilang lakas ay para ba itong mga granadang sumasabog bilang paunang mga pagsalakay laban sa kaaway sa digmaan.

Ganito ang imahe ng kasalukuyang paghihikayat sa kabataan upang lumahok sa maraming pagkilos laban sa umano’y ma-anomalyang transaksiyon ng mga opisyal ng pamahalaan. Kung patungo sa pagkamulat at responsableng pagkamamamayan ang tunguhin ng mga demonstrayon ng mga estudyante, dapat itong suportahan at hangaan, ngunit kung ang layunin nito ay gamitin ang mga kabataan sa pampulitikang interes ng ilang may ambisyon sa pulitika dapat magsuri ang mga estudyante bago sila sumali sa ano mang pampulitikang pagkilos.

Ang imahe ng isang kalabaw ay isang masipag ng hayop. Isang hayop na maghapon sa pagtulong sa kanyang panginoong magbubukid sa pag-aararo ng lupa. Sa kanyang kapaguran at oras ng pahinga, nasisiyahan ang kalabaw na magtampisaw sa malamig na putikan. Sa kanyang malay, ito ay hindi marumi at bahagi na ng kanyang buhay.

Kung ang mga kabataan ay itinturing na tao ng mga matatanda, bilang kalabaw ang mga bata ay hindi dapat isama sa putikan. Sapagkat ang tao ay hindi kalabaw at ang mga kabataan ay hindi dapat gawing granada o bala sa kanyon.

Maaring hinahanap natin ang isang malawakang pagkilos nila sa mga demonstrasyon sa kalye dahil sa matagal na panahon na hindi ito nakikita. Subalit, hindi ito nangangahulugan na batid ng marami sa kabataang ito ang puno’t dulo ng tungalian sa kasaysayan at lipunan ng ating bayan.

Sa mga pagkilos ng kabataan sa mga demonstrasyong ito, napakadali nilang kumbinsihin higit kung isususpinde ang klase at may attendance o pagkain sa rali. Kung mapapahamak ang mga batang ito at masaktan, mananagot kaya ang matatandang lider. Madaling udyukan ang hindi natin kamag-anak o anak, ngunit mahirap panagutan ang bilang ng kabataan na masisira ang buhay dahil itinuring natin sila hindi bilang tao kundi armas pampulitika.

May bakasyon rin ang protesta? – albert banico

Patapos na ang ikalawang semester sa school year ng 2007-2008 at dahil ditto panay na rin ang suyod ng mga personalidad upang maabot ang mga estudyante sa iba’t ibang paaralan.

Sa pagdating nga ikalwang lingo ng Marso, halos tapus na ang mga eksaminasyon o pagsusulit sa mga paaralan at dahil ditto, kaunti na lamang ang maiiwan sa paaralan. Ang maraming bilang ng mga mag-aaral ay mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsiya o nahimpil lamang sa kanilang mga tahanan.

Sa panahong ito, limitado ang galaw ng mga estudyante. Walang baon o allowance at dahil dito limitado rin ang kanilang pakikipagtext, pamamasyal o paggalaw sa labas ng tahanan. Ang iba ay magkakasya sa mga gawaing bahay o ang iba naman kung mayaya ng mga kaibigan na may pangasta ay sandaling pupuslit sa kanilang pamilya o kaya naman ay gamitin ang kanilang telepono sa bahay upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan at kaklase.

Tipikal na maliit ang magigng partisipasyon ng mga estudyante sa mga protestang darating mula Marso hanggang Mayo dahil nasa bakasyon ang malaking bulto nila. Dahil ditto, magiging limitado rin ang galaw ng mga nanghihikayat na sumali sa mga protestang ito at malamang ay sa mga kabataan sa mga pagawaan, bukid, kumunidad at opisina kunin ang simpatiya sa ano mang pagkilos laban sa katiwalian.

Ito marahil ang dahilan kung bakit mas nagiging mainit ang papel ng mangagawa tuwing Mayo Una bukod sa ang araw na ito ay pandaigdigang paggunita sa lakas paggawa.

Ngunit sa mga nasa kilusang bayan, tila ba ang protesta’y walang pahinga. Para bang walang kapaguran at walang patid ang hininga. Sa panahon ng bakasyon, ang mga aktibistang estudyante ay libre na sa pag-aaral sa karaniwang pamamaraan sa luob ng silid-aralan. Ang mga kabataang ito ay aktibo naman sa panahong ito sa pag-aaral ng kasaysayan at karanasan ng bayan at kilusan ng kabataaan.

Sila ay nasa bakasyon ngunit hindi nagbabaksyon ang isip at malay bagkus ay patuloy sa pagpapalakas ng paninindigan kasamang iba pang kapanalig upang ihanda ang mga sarili sa darating na pagbubukas ng unang semester sa buwan ng Hunyo. Ang panahong ito ang mas dapat abangan sapagkat ito rin ang panahon hindi lamang sa pagbubukas ng klase kundi ng pati ng kongreso sa panahon ang pangulong GMA ay muling haharap sa bayan sa pamamagitan ng State of the Nation.

Kumusta ang Kilusan ng Mag-aaral - albert banico

Marami ang nagpapalakpakan sa mga kaliwa’t kanang pagkilos ng kabataan sa Pilipinas. Ang huling malalaki at tunay na organisadong pagkilos ng kabataan ay noong nabuo ang malawakang alyansa laban sa mga base militar ng mga Amerkano sa bansa at ang sabi ng ilan ay ang pulitikal na kilusan laban sa dating pangulong Erap at maka-Erap na edsa 3 noong 2001.

Sa lumalawak na pagkondena sa katiwalian sa ating pamahalaan at gayundin sa pagkakawatak-watak ng mga ito, dumarami ang mga lumalahok na kabataan na hindi naman mga datihan na aktibista bagkus ay mga bahagi ng mga estudyanteng bago lamang sa mga ganitong pagkilos.

Samantala sa Estados Unidos isang protesta ng mga estudyante ang naganap matapos ang patalsikin ang pangulo ng kanilang Kolehiyo. Narito ang balita mula sa William and Mary Campus sa Virginia: In the wake of the shock of President Nichol’s sudden resignation, members of the Faculty of the College of Arts and Science issued a call for fellow faculty-members to join them in a “Strike”, refusing to hold regular classes on Wednesday (2/13) and Thursday (2/14), during a spontaneous rally of over 500 students, staff, and faculty in support of Our President. Naalala ko tuloy sila Rizal sa Unibersidad de Madrid na may parehong karanasan nang patalsikin ng mga prayle sa Espanya ang kanilang Rector.

Samantala, narito pa ang ilan sa kanilang ginawang pagkilos: Following this announcement, members of the William & Mary College Students for a Democratic Society (SDS) in Virginia announced a student strike in Solidarity with their professors and, unequivocally, Comrades-in-arms. That night, over 1500 students expressed their grief for our community’s loss of a great man by congregating in front of the President’s House to intone to Gene Nichol the Alma Mater of Our College.

Sa katunayan, akin silang sinulatan at narito naman ang aking sulat: I wonder what do you mean by student power? Is it the student themselves are limited to their existence as a student inside the campus? In the philippines, we call it, people power, because the youth are just a part of the larger society. in fact, inside the campus, students are not the only sector that need to be heard in a process called democracy.Tinanung ko ang mga nagproprotestang mag-aaral na ito sa Amerika nang ganito: What will be the shape of that student power movement when they already completed their schooling and they belong already to the institutions that they rejected before? Malaking hamon sa kilusan ng kabataaang estudyante kung paano isasabuhay sa luob ng mga istitusyon ang kanilang mga paninindigan kapag sila ay tapos na sa buhay kolehiyo at may mga diploma na.

Ang ilan ay nilalamon ng sistema matapos ang kanilang adventure sa kalye. May ilan na gustong maging buhay ang pagiging aktibista hanggang sa kanilang pagtanda at tinatawag silang professional revolutionary. Ngunit paano ang mas maraming nabinyagan lamang sa mga welga at demonstrasyon ngunit gustong isulong ang pagbabago sa luob ng mga institusyon at kanilang mga paninindigan sa reporma at pagbabago. Paano nila pananatilihin ang paninidigan sa harap ng mala-halimaw na katiwalian, kasakiman at kapangyarihan? Ang tunay na laban ng bayan ay wala sa luob ng paaralan!